Sanghayà, ito’y nangangahulugang “kariktan,” “ganda,” at “dangal” o “puri.”Dito sa aklat, tumutukoy ito sa kariktan ng himig ng wikang Filipino, gayundin sapagkakaroon ng sariling wikang sumasagisag sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ngbansa.Ang serye ng aklat na pang-elementarya sa Filipino na pinamagatang Sanghayàay naglalayong malinang sa mga mag-aaral ang mga kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,pagbasa, at pagsulat
Saklaw ng mga kasanayang nabanggit ang masusing pagkilatis,mabisang pang-unawa, paghasa sa wastong pagbigkas, paggamit ng mga pahayagat estrukturang panggramatika. Saklaw rin nito ang pagpapalawak ng talasalitaan,pagkilala sa mga salita, pag-unawa at kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik. Bukoddito, nalilinang din ang kasanayan sa pagsulat upang mapaganda ang sulat-kamay atmahasa ang kakayahan sa paglikha ng sulatin.
|
|