Ang Asya: Noon at Ngayon ay isinulat alinsunod sa panibagong K–12 kurikulum na inihanda ng Kagawaran ng Edukasyon
Tinatalakay at binibigyang-liwanag ng librong ito ang heograpiya, kasaysayan, kultura, at iba pang aspekto ng buhay Asyano mula sa sinaunang mga kabihasnan hanggang sa kasalukuyang mga bansang bumubuo sa Asya. Sa pagtalakay sa mga ito, inaasahan sa mga mag-aaral ang mas malawak na kamalayan hinggil sa pinagmulan at mga karanasan ng kontinente at pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa mahahalagang aral ng nakaraan tungo sa paghubog ng mas magandang hinaharap ng Asya.
|